-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US President Donald Trump na nagkaroon na sila ng kasunduan ng Indonesia ukol sa usapin ng taripa.

Sinabi ng US President na nakiusap ang nasabing bansa para hindi sila makaranas ng mabigat na taripa.

Hindi naman nagbigay pa ng anumang detalye si Trump kung ano agn nilalaman ng kanilang kasunduan.

Magugunitang maraming mga bansa ang nagkukumahog ngayon na makipag-usap kay Trump para hindi sila patawan ng mabigat na taripa.