-- Advertisements --

Mariing kinondena ni Transportation Secretary Vince Dizon ang pagpaslang sa isang enforcer ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) sa Cavite.

Ayon kay Dizon, nakikipag-ugnayan na ang Department of Transportation (DOTr) sa mga ahensiyang nagpapatupad ng batas upang mapanagot ang salarin o mga salarin.

Inatasan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DOTr na tiyakin ang agarang pagkamit ng hustisya para kay Hervin T. Cabanban, ang nasawing SAICT enforcer, at sa kanyang pamilya.

“I strongly condemn in the strongest terms the heinous killing of our SAICT enforcer. Ipinag-utos na ni Pangulong Bongbong Marcos ang mabilisang pagresolba ng krimen na ito. Sa pumatay sa aming SAICT enforcer, tinitiyak ko, hahabulin ka ng hustisya,” ayon kay Dizon. 

“Nakikiramay tayo sa pamilya ng ating kasama sa DOTr-SAICT. Patuloy tayong makikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) hangga’t hindi nakakamit ang mabilis at tunay na hustisya para sa ating kasama,” dagdag pa ng kalihim.