Kasalukuyan nang pinaghahandaan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga guidelines para sa distribusyon ng fuel subsidy na ipapamigay sa mga maaaring lubhang maapektuhan ng pagtaas ng presyo ng krudo at petrolyo bunsod ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at ng Israel.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, mayroong nakalaan na P2.5 bilyong piso para sa fuel subsidies na ipapamahagi ng departamento.
Aniya, inihahanda na ang mga guidlines para agad na makakuha agad ang mga tsuper at mga sektor na lubhang maapektuhan ng pagtaas ng presyo.
Tiniyak rin ni Dizon na ang naturang sabsidiya ay siguradong matatanggap ng mga benepisyaryo nito dahil malaki-laki rin aniya ang hawak nilang pondo sa ngayon para rito.
Samantala, nanawagan naman ang kalihim sa mga transport groups at ilang mga operators na huwag na gumawa ng mga kilos-protesta dahil may tulong naman na paparating kung saan ang naging direktiba rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay agad na ipamahagi sa mga nangangailangan ang naturang sabsidiya.
Nauna naman na dito ay tiniyak na rin ng Department of Energy (DOE) na patuloy na silang umaapela sa mga oil companies na bigyan ng kahit konting discounts ang mga tsuper upang maiwasan rin ang maaaring taas-pasahe sa mga komyuters.