-- Advertisements --

Agad na iniutos ng Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni Transportation Secretary Vince Dizon ang perpetual revocation o habambuhay na pagkakakansela ng lisensya ng driver na nahuling nag-counterflow sa Skyway.

Sa naging kuha ng CCTV footage bandang 3.32 ng madaling araw. Namataan ang naging pagsalubong ng naturang driver sa mga sasakyan na mula sa kabilang lane.

Ayon kay Dizon, hindi maaaring sumailalim lamang sa suspensiyon ang lisensya ng driver dahil ang mga naging aksyon aniya nito ay makikitang naglagay sa peligro ng mga motoristang gumagamit ng naturang expressway.

Ani pa ng kalihim, dapat na hindi na pamarisan ang kaniyang ginawang ‘reckless driving’ at kanselahin na habambuhay ang lisensya nito.

Samantala, hinikayat naman ni Dizon ang publiko na patuloy lamang na magpadala ng mga reporrt ng mga pasaway na drivers at motorista para ito ay agad na mabugyang aksyon at karampatang parusa.