-- Advertisements --

Patuloy na nakikipagugnayan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga transport groups na magsasagawa ng transport strike ngayong linggo para miawasan ang dagdag perwisyo sa mga mananakay.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza, sa kabila ang pagiging handa nila para sa nakaambang strike, mas mainam aniya na huwag nang dagdagan ang problema na kasalukuyang kinahharap ng bansa.

Aniya, makipagtulungan na lamang sana ang mga transport group sa sektor ng transportasyon upang mabigyan ng sapat na serbisyo ang mga manakakay na umaasa sa public transportation.

Sa kabila ng panawagan na ito, ilang mga transport groups ang nagpahiwatig na nang pakikiisa sa strike gaya ng PISTON, Pasang Masda, at maging ang Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines.

Samantala, inaasahan naman ng Department of Transportation (DOTr) na ang pagbaba ng halos P20/litro sa diesel ay posibleng ang umpisa na ng unti-unting pagbaba ng presyo ng krudo at langis para maiwasan ang ganitong mga protesta at mapakinabangan ng mamamayang pilipino lalao na ang mga tsuper.