Binigyang-diin ni Melencio “Boy” Vargas, national president ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), na hindi na sasapat ang pagtanggal lamang ng excise tax sa langis dahil sobrang taas na ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Aniya, labis na ang bigat para sa mga driver ang sunod-sunod na mega oil price hikes na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa.
Sa Metro Manila, umabot na sa lagpas P100 kada litro ang karaniwang presyo ng mga produktong petrolyto.
Ang diesel at kerosene ay nakapagtala ng double-digit increases dahil sa patuloy na kaguluhan sa Middle East na nakaapekto sa supply routes.
Sa pandaigdigang merkado, nananatiling mataas ang presyo ng langis na siya namang itinatawid sa mga lokal na level.
Noong Marso 30, 2026, ang Brent crude oil benchmark ay lalo pang sumirit, kasunod ng pagtaas mula sa nakaraang linggo.
Sinasabing ang mga tsuper ng jeepney at bus ang pinakamalaking apektado, dahil hindi na sapat ang kasalukuyang pamasahe upang matugunan ang mahal na gastusin sa krudo.
















