-- Advertisements --

Nagbigay ng ilang mga paalala ang Department of Social Welfare nd Development (DSWD) para sa mga trasnport network companies (TNC’s) na nakatakdang makatanggap ng cash aid bilang bahagi ng cash relief assistance (CRA) para sa mga public transport drivers at ilang mga motoritsa.

Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, kailangang sumunod ang mga TNC’s at mga benepisyaryo ng cash assistance sa pagpapatupad ng striktong implementasyon ng koordinasyon at pagsunod sa tamang schedule para sa pagtanggap ng CRA.

Maliban dito, mainam din aniyang i-check ang masterlist ng mga beneficiaries para maiwasan ang overcrwding at mga pagkaantala o delay sa mismong araw ng payout.

Ginwa ni Gatchalian ang pahayag sa isang pagpupulong sa mismong tanggapan sa DSWD Central Office na siyang dinaluhan ng mga key officials ng tanggapan, ilang mga representatives mula sa katuwang na mga ahensya gaya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Information and Communications Technology (DICT) at mismong mga transport companies.

Hinimok din ng kalihim ang mga TNC’s na magtalaga ng kanilang mga tauhan para makpagpatayo ng mga help desks na siyang maaaring magbigay ng assistance sa mga tsuper sa ismong araw ng payouts.

Samantala, nakiusap naman ang kalihim sa mga TNC’s na huwag magtayo ng mga recruitment booths sa mga nakatakdang payout sites para na rin maiwasan ang late submission ng kumpletong listahan ng mga drivers.