-- Advertisements --

Malaki umano ang epekto sa biyahe ng mga provincial bus ng pagsususpinde ng taas-pasahe na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr,

Sinabi ni Provincial Bus Operators Association Executive Director Alex Yague, maraming kompanya ang hindi makakapag-operate dahil hindi nila kakayaning sustentuhan ang gastos dahil kulang ang kita.

Dagdag pa ni Yague, hinihintay lamang nila ang written order mula sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga susunod na hakbangin ng grupo, ngunit sinabing wala silang magagawa kung hindi sumunod sa utos na ilalabas.

Nanawagan din sila ng kongkretong hakbang ng gobyerno na mararamdaman ng mga nasa sektor ng transportasyon at hindi ang band-aid solutions lang.

Nabatid na nagpatupad na ng ayuda ang pamahalaan, ngunit inuna muna ang mga tricycle drivers at operators nitong mga nakaraang araw.