Inaasahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang hindi bababa sa tatlong milyong pasahero na dadagsa sa mga pantalan sa buong bansa para sa paguumpisa ng Semana Santa.
Ayon kay PCG Spokeperson Commodore Noemi Cayabyab, ito ay halos kasingdami ng mga naitalang pasahero nitong nakaraang taon para sa parehong panahon.
Ayon pa sa tagapagsalita, batay sa kanlang kasalukuyang datos, ay nakapagtala na sila ng halos 390,000 na mga inound at outbound passengers sa lahat ng pantalan sa bansa.
Inaasahan naman na mas dadagsa pa ang mga apasahero pagdating ng Huwebes at Biyernes Santo na syang dineklara bilang mga regular holidays habang ang Sabado de Galoria naman ay idineklara bilang special non-working holiday.
Pagdating naman sa deployment ng mga PCG personnels, binigyang linaw ni Cayabyab na nakatalaga na ang kanilang mga tauhan na siyang pokus ang pagbibigay ng seguridad sa mga pasahero, pagsasagawa ng security patrols sa mga pantalan at maging ang pagbibigay ng assistance sa serach and rescue mission kung kinakailangan.
Aniya, higit sa 17,000 na mga PCG personnels ang ipinakalat sa buong bansa para matiyak ang maritime ssafety and security sa gitna yan ng inaasahang dami ng tao ngayong linggo.
Samantala, maliban naman dito, mas pinaigting pa ng PCG ang pagsasagawa ng mga inspeksyon sa mga barkoupang maiwasan naman ang mga aksidente at trahedya habang nasa biyahe.
Pinaalalahanan naman ng Department of Transportation (DOTr) ang mga seaports na mahigit na ipinagbabawal ang overloading at dapat aniyang tiyakin na sapat lamang ang lulan na pasahero ng mga babyaheng barko.
















