-- Advertisements --

Nagmatigas si US President Donald Trump na hindi ito pipirma sa anumang joint statement para ipanawagan ang pagbababa ng tensiyon sa pagitan ng Iran at Israel.

Ang nasabing pahayag ay kasunod na paggawa ng draft statementng G7 leaders na ipanawagan ang pagtigil ng kaguluhan.

Ayon sa White House, naninindigan ang US President na dapat ay hindi pausbungin ng Iran ang kanilang nuclear capability.

Magugunitang una ng nagbigay ng suporta si Trump sa Israel para tuluyang tigilan ng Iran ang pagpapalakas ng kanilang nuclear weapons.