Sinimulan na ni dating US President Donald Trump ang kaniyang 2024 campaign rally.
Ginanap ito sa Waco, Texas kung saan binanatan niya sa kaniyang talumpati ang kasalukuyang administrasyon ni US President Joe Biden.
Ipinagtanggol nito ang mga nakasuhan na nasa likod ng US Capitol attack at binatikos ang special counsel na itinalaga ng Department of Justice na nag-iimbestiga dahil sa pagtatago nito ng mga top-secret documents at pagbabayad ng hush money sa isang adult actress.
Kabilang din na iniimbestigahan sa kaniya ang pangunguna umano na maglunsad ng pag-atake para mabaligtad ang desiyon ng halalan noong 2020.
Iginiit pa ni Trump na desperado na ang kaniyang mga kalaban sa pulitika kung saan gagawin nila ang lahat ng mga makakaya para siraan siya pero bigo sila dahil hindi ito papipigil para tumakbo sa susunod halalan.