-- Advertisements --

Iginiit ng Department of Transportation (DOTr) na hindi pinahiya ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang station manager ng LRT-1 Baclaran Station sa isinagawang inspeksyon noong Nobyembre 4.

Ito ay matapos kumalat ang balitang “uiminit ang ulo” ni Lopez nang makita umano ang kalagayan at kapabayaan sa ilang pasilidad ng estasyon.

Sa isang pahayag, nilinaw ng DOTr na ang naging reaksiyon ni Lopez ay bunga ng frustration at malasakit sa mga pasahero, hindi ng paninigaw o pambabastos.

Binigyang-diin pa ng ahensya na tungkulin ng station manager na tiyaking maayos ang serbisyo at kalagayan ng mga pasahero, at dapat ay may pananagutan sa anumang pagkukulang.

Kasabay nito, nanawagan din si Lopez ng equal accountability mula sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang pribadong operator ng LRT-1, na umano’y may pananagutan.