Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Signal No. 1 sa Eastern Samar ngayong Linggo, Nobyembre 2, habang papalapit ang Bagyong Tino, na inaasahang tatama sa lalawigan sa Lunes ng gabi o Martes ng madaling-araw.
Batay sa PAGASA, ang bagyong Tino ay huling namataan sa 955 kilometro silangan ng Eastern Visayas, taglay ang hangin na lakas na 85 km/h at bugso na umaabot hanggang 105 km/h, habang kumikilos pakanluran sa bilis na 30 km/h.
Ayon sa ahensya, posibleng umabot ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 habang tumatahak si Tino sa bansa.
Habang patuloy na makakaranas ng malalakas na hangin at alon sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa Amihan at epekto ng bagyo.
Inaasahang tatawid ng Visayas at Palawan ang bagyong Tino bago lumabas sa West Philippine Sea pagsapit ng Miyerkules, Nobyembre 5, 2025.
Pinapayuhan naman ang publiko na maging alerto, dahil posible aniya itong maging ganap na bagyo o umabot sa kategoryang super typhoon sa loob ng susunod na 24 hanggang 48-oras.
















