Sumailalim na sa preliminary investigation ang tatlo sa apat na suspek sa pagpatay kay PSMS Diane Marie Mollenido at walong taong gulang na anak nito na si John Ysmael Mollenido para sa mga kasong two counts of robbery with homicide at theft sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Kabilang da mga suspek na siyang dumalo sa preliminary investigation ay ang mga primary suspects na sina Christian at Pia Panganiban kasama ang mga kasama sa krimen na si Gil Dy Jr.
Sa kabilang banda, ang kapatid naman ni Christian na si Maribel Panganiban na siyang kalaunan ay sumuko sa mga otoridad ay nakatakda namang humarap sa imbestigasyon matapos na maisaayos na ang kaniyang mga dokumento.
maliban naman dito, patuloy na inaalam ng pulisya ang nagging ugnayan o partisipasyon ng asawa ng biktima na si PMS John Mollenido na kasalukuyang nasa ilalim ng protective custody para sumailalim din sa imbestigasyon at iba pang proseso.
Samantala, nauna na rito, inanunsyo na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Juanito Victor “Jonvic” Remulla na case closed na ang kaso na ito matapos na maaresto ang lahat ng mga uspek sa kaso.
Nananatili naman sa ilalim ng kustodiya ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang mga suspek.
















