Iniulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na hindi naapektuhan ang pangunahing serbisyo sa bansa sa kabila ng isinagawang distributed denial-of-service (DDoS) cyber attack noong Nobyembre 5.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, walang naitalang disruption sa major IT infrastructure at internet connectivity ng bansa.
Pinaghandaan na umano ng pamahalaan ang naturang pag-atake, na tinaguriang “November 5 cyber attack.”
Bagaman may nagtangkang lumikha ng mabigat na internet traffic, matagumpay itong naharang gamit ang anti-DDoS equipment ng ahensiya.
Paliwanag ng kalihim, ang DDoS ay hindi hacking o data breach, kundi isang malisyosong pagtatangka na magdulot ng traffic jam sa internet.
Hindi na tinukoy ang mga website na tinangkang biktimahin, ngunit karamihan umano ay mula sa sektor ng bangko. Sa ngayon, wala pang bangkong nag-ulat ng anumang system disruption kaugnay ng insidente.
















