-- Advertisements --
Naglabas ng abiso ang Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw, kaugnay ng epekto ng Bagyong Tino sa mga pantalan.
Apektado ang 16 pantalan at barangay sa Southern Tagalog, Bicol, Northern Mindanao, NCR-Central Luzon, Western Visayas, at Palawan.
Umabot sa 787 pasahero, driver, at cargo helpers ang stranded, kasama ang 54 rolling cargoes, 7 vessels, at 9 motorbancas.
Sa kabuuan, 58 vessels at 31 motorbancas ang pansamantalang sumilong.
Pinakamaraming stranded ay sa NCR-Central Luzon na may 731 katao.
Patuloy ang monitoring ng PCG sa mga apektadong lugar at handa rin umano silang rumesponde kung kinakailangan.















