-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bahagyang bumaba ang unemployment rate ng bansa noong Setyembre 2025.

Bunsod ito ng pagdami ng trabaho sa sektor ng agrikultura, pagmimina, at konstruksyon.

Naitala ang joblessness rate sa 3.8 porsyento, mas mababa kumpara sa 3.9 porsyento noong Agosto.

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, may 129,000 bagong trabaho sa mga taniman ng palay at sa pag-aalaga ng baboy, dulot ng pana-panahong paglago sa sektor ng pagsasaka.

Dagdag pa rito, tumanggap din ng mas maraming manggagawa ang mga kompanya sa konstruksyon, pagmimina, at mga paaralan.

Ipinapakita ng datos na may positibong galaw sa merkado ng paggawa.

Gayunpaman, patuloy pa ring binabantayan ang mga sektor na may mababang pag-usbong ng trabaho.

Target ng pamahalaan na mapanatili ang pagbaba ng unemployment sa mga susunod na buwan.