Patuloy ang paglakas ng bagyong Tino habang ito’y kumikilos sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 30 km/h sa ibabaw ng West Philippine Sea, silangan-hilagang silangan ng Kalayaan Islands.
Ang mata ng bagyo ay tinatayang nasa layong 330 km silangan-hilagang silangan ng Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 140 km/h malapit sa gitna, at bugso ng hangin na hanggang 170 km/h.
Signal No. 2: Kalayaan Islands
Signal No. 1: Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands, at ang natitirang bahagi ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands
Samantala, isang tropical depression ang namataan sa labas ng Philippine area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 1,870 km silangan ng hilagang-silangan ng Mindanao.
May lakas ito ng hangin na 55 km/h malapit sa gitna.
Ang pagbugso naman ay hanggang 70 km/h.
Pero wala itong gaanong pag-usad sa nakalipas na mga oras.
Gayunman, inaasahang aabot ito sa supertyphoon category sa mga darating na araw.
















