Pumanaw na ang dating miyembro ng mataas na kapulungan ng Kongreso na si Sen. Victor “Vic” Ziga.

Si Ziga ay nakilala bilang senador at isa sa may partisipasyon niya noong 1986 EDSA People Power.

Sa inisyal na ulat, binawian ng buhay ang dating opisyal sa edad na 75, habang naka-confine sa St. Luke’s Hospital, Bonifacio Global City sa Taguig, dahil sa multi-organ failure.

Sinabi ng anak nitong si Albay Board Member Victor Ziga Jr. na ilalagak ang kaniyang ama sa Loyola Memorial Chapel sa Sucat, Parañaque, bago i-cremate.