-- Advertisements --

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes na handa itong tumugon sa anumang paglala ng tensyon sa Middle East, kasunod ng pagkamatay ng isang Pilipino sa isinagawang opensiba ng Iran.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., may nakahandang contingency plan ang militar para protektahan at, kung kinakailangan, ilikas ang mga Pilipinong nasa mga conflict zone.

Nakahanda umano ang mga C-130 aircraft at barko ng Navy kung kakailanganing magsagawa muli ng evacuation.

Dagdag pa niya, patuloy na nire-review at ina-update ng AFP ang kanilang operational plans upang masigurong epektibo ang mga ito sa harap ng mga bagong banta.