-- Advertisements --

Inirekomenda ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagtanggal kay dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Brigadier General Romeo J. Macapaz kasama ang 11 mga kapulisan.

May kaugnayan ito sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman and Executive Officer Ralph Calinisan ,nakitaan nila ng mabigat na ebidensiya ng grave misconduct, obstruction of justice at conduct unbecoming ng isang police officer.

Ang mga kapulisan na inatasan ng agarang pagsibak ay kinabibilangan nina : Police Lieutenant Colonel Ryan J. Elia Borapa; Police Major Mark Philip Cimborio Almedilla, Police Executive Master Sergeant Aaron Ezra Lagahit Cabillan, Police Chief Master Sergeant Arturo Opalla Dela Cruz Jr., Police Senior Master Sergeant Joey Natanawan Encarnacion, Police Senior Master Sergeant Mark Anthony Aguilo Mandrique, Police Senior Master Sergeant Anderson Orozco Abari, Police Staff Sergeant Alfredo Uy Antes, Police Staff Sergeant Edmond Hernandez Muñoz , Police Corporal Angel Joseph Ferro Martin at Police Staff Sergeant Renan Lagrosa Colencho.

Bukod sa pagtanggal ay tatangalin ang mga ito ng retirement benefits, kanselasyon ng eligibility at perpetual disqualification na maghawak ng anumang opisina ng gobyerno.

Ang pagtanggal kay Macapaz ay nasa kamay na ni Pangulong Ferdinand Marcos habang ang pagsibak sa 11 kapulisan ay agad na ipapatupad.