Gumawa ng microsite ang International Criminal Court (ICC) kung saan ang mga witness ay maaring ialgay ang mga impormasyon sa mga nangyaring krimen sa war on drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa social media post ng ICC ay hinikayat nila ang mga witnesses ng insidente kabilang ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP at ilang mga law enforcement agencies na sangkot sa insidente na lumapit at kausapin ang kanilang opisina.
Nagsasagawa kasi ng imbestigasyon ang Office of the Prosecutor ng ICC sa umanoy crime against humanity na naganap sa Pilipinas kabilang ang patayan, torture, sexual violence na bahagi ng war on drugs na naganap mula 2011 hanggang Marso 2019.
Ang nasabing social media post ay nakasalin din sa Tagalog at Visayan version.
Magugunitang noong Marso ng nakaraang taon ng maaresto ang dating pangulo ng ICC dahil sa war against humanity dahil sa kampanya niya sa iligal na droga noong kaniyang termino.
















