-- Advertisements --

Ipinauubaya na ng Presidential Communications Office (PCO) sa papaupo nitong kalihim na si Dave Gomez, ang pagtugon sa mga kwestyong ibinabato sa kaniya, kasunod ng anunsyo ng Malacañan na pagkakatalaga kay Gomez, bilang susunod na kalihim ng PCO.

Pahayag ito ni Palace Press Officer Usec Claire Castro, kasunod ng pagka-alarma ng ilang civil society groups at health groups sa appointment kay Gomez, dahil sa matagal nitong koneksyon sa tobacco industry.

Ang ibang grupo at mambabatas, nagpahayag pa ng pagtutol sa pagkakatalagang ito.

Ayon kay Castro hindi nila nakikitang makaka-apekto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ibinabatong isyu kay Gomez.

Kung matatandaan, una nang nagpahayag ng kumpiyansa ang PCO sa kakayahan ni Gomez na pamunuan ang tanggapan, dahil sa background nito sa pamamahayag.