Ibinunyag ng Presidential Communications Office (PCO) na nakapagtala sila ng bigla at koordinadong pagdami ng disinformation sa social media na tumatarget sa kalusugan ni Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay PCO Acting Secretary Dave Gomez, nadamay na rin umano ang ilang tradisyunal na media sa pagkalat ng maling impormasyon na iniuugnay sa mga troll.
kasalukuyang tinutunton at dino-dokumento ng PCO ang pinagmulan ng mga naturang post at komento, at naghahanda ng ebidensya para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa mga susunod na araw.
Iginiit ni Gomez, malinaw aniya ang motibo na manggulo at pabagsakin ang gobyerno.
Sinabi ni Gomez na nakatuon ang Pangulo sa pagtugon sa umiiral na energy emergency at sa pagbibigay ng konkretong tulong sa mga Pilipino at hindi aniya ito magpapa-apekto.
“We are in a state of energy emergency. The Presidentwill not be distracted by this noise. The President remains laser-focused on one mission: solving our energy emergency and delivering rea, tangible help to every Filipino family, improving their lives and strengthening our economy,” pahayag ni Sec. Gomez.













