Itinanggi ng Presidential Communications Office na pangunahing layunin sa inilunsad na ‘Oplan kontra Fake News’ ang maproteksyunan si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Binigyang diin ni Sec. Dave Gomez na ang naturang inisyatibo ay para mapangalagaan ang kapakanan ng publiko hinggil sa pagkalat ng maling impormasyon.
Aniya’y bago pa man magkaroon ng isyu ukol sa kalusugan ng pangulo at pati digmaan sa Gitnang Silangan, nakabantay na ang opisina sa mga ‘fake news’ nalabas online.
Ibinahagi ng naturang kalihim na pinangangambahan nila sa pagkalat ng ‘fake news’ ay magdulot ito para mag-panic ang publiko lalo na sa panahon ng kalamidad o ‘national emergencies’.
Kahapon, sa nilagdaan kasunduan ng Department of Justice, Presidential Communications Office, at Department of Information and Communications Technology kanilang inlunsad ang ‘Oplan Kontra Fake News’.
Layon anila rito ang maisulong labanan ang pagkalat ng maling impormasyon at mapabilis ang aksyon pagtugon hinggil sa mga kaugnay na kaso.
Aminado naman si Presidential Communications Office Sec. Dave Gomez na nagkaroon ng tinatawag na ‘spike’ sa bilang ng mga ‘fake news’ natutuklasan o namo-monitor partikular sa isyu ng kalusugan ng pangulo.
Habang umaasa aniya sila na ngayong linggo ay kanilang mapapangalanan na ang mga pasimuno o nasa likod sa pagkalat ng maling impormasyon.
Kinokolekta na lamang raw nila ang mga ebidensya sa paghahain ng kaukulang kaso laban sa mga ito.
















