Reading Time: 1 minute

Patay matapos magbaril sa sarili ang dating pangulo ng Peru na si Alan Garcia bago ito arestuhin ng mga kapulisan.

Dinala pa ito sa Casimiro Ulloa Hospital sa Lima kung saan ito ay inoperahan para tanggalin ang bala sa kaniyang ulo subalit pumanaw na ito matapos ang ilang oras.

President Alan Garcia
Facebook Post of Pres. Alan Garcia

Inaakusahan ito kasi ng pagtanggap ng suhol na $30 million kada taon mula pa noong 2004 mula sa Brazilian construction company na Odebrencht.

Makailang beses na rin niyang pinabulaanan ang nasabing alegasyon.

Naging pangulo ito mula 1985 hanggang 1990 at mula 2006 at 2011.