Scottie Pippen
Scottie Pippen/ FB image

Sinampahan ng kaso ng dating kasintahan si NBA legend Scottie Pippen.

Ayon sa nagpakilalang si Chyvette Valentine na naging kasintahan niya ang dating Chicago Bulls star mula 1987 hanggang 1993.

Naghain ito ng kasong $9,999 ang maximum na pinapayagan para sa small claims court.

Ibinunyag nito na hindi niya alam na may asawa na pala si Pippen noong sila ay magkasintahan.

Unang ikinasal ang NBA star kay Karen McCollum mula 1988 hanggang 1990 k ung saan mayroon silang isang anak na si Antron at ikinasal din kay Larsa Pippen ng hanggang 20 taon at nahain ito ng divorse mula 2018 at may apat silang anak na sina Sophia, Scotty Jr, Justin at Preston.