-- Advertisements --

Pinalakas ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang kanilang paghahanda sa inaasahang epekto ng mga paparating na bagyo sa bansa kung saan pinaigting na nila ang kanilang disaster preparedness efforts.

Alinsunod na sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Pinamamadali rin ng ahensya ang mas aktibong papel ng mga Regional Director at Officer-in-Charge bilang Shelter Cluster Leads sa kani-kanilang rehiyon.

Binigyang-diin ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling na dapat magsilbing sentro ng koordinasyon ang mga regional office pagdating sa mga sakuna na may kinalaman sa shelter, lalo na sa mga lugar na mataas ang panganib.

Kabilang sa mga hakbang ang mas mahigpit na pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos at mabilis na pagtugon sa panahon ng kalamidad.

Inatasan din ang mga regional offices na magsumite ng araw-araw na situational reports para sa mas epektibong monitoring ng pangangailangan at tugon sa mga apektadong lugar.