-- Advertisements --
Nag-alok ang North Luzon Expressway (NLEX) ng libreng toll-fee sa Pasko at Bagong Taon.
Ito ay magiging libre sa oras ng 10 ng gabi ng Disyembre 24 hanggang alas-6 ng umaga ng Disyembre 25.
Ganun din sa Disyembre 31 na mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga ng Enero 1.
Magiging libre din ang toll fee sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SLEX) at sa NLEX Connector.
Bubuksan din nila ang counterflow lanes mula ala-5 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.
















