-- Advertisements --

Inareso ng Turkish police ang 115 na mga hinihinalang miyembro ng ISIS militant group.

Ayon sa Istanbul Prosecutors’ Office na nakatanggap sila ng impormasyon na maghahasik ng terorismo ang mga ito at isasabay sa Pasko at Bagong taon.

Naglabas sila ng 137 na warran of arrest laban sa mga suspeks matapos na makakuha ng impormasyon ang mga otoridad na ang mga ito ay ISIS.

Base sa mga impormasyon na kanilang nakalap na mayroong kontaks ang nasabing mga suspek sa mga lugar kung saan nagaganap ang kaguluhan.

Nakakumpiska ang mga otoridad ng mga baril at bala ganun mga dokumento na hinihinalang organizational documents.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagtugis ng mga otoridad sa 22 iba pang mga suspeks.