-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng PBA Philippine Cup ang San Miguel Beermen.

Ito ay matapos na talunin nila ang NLEX Road Warriors 101-94 sa laro na ginanap sa Smart Araneta.

Ang nasabing panalo ay siyang ika-10 sunod ng defending champion matapos ang dalawang sunod na pagkatalo sa pagsisimula ng conference.

Bumida sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na nagtala ng 25 points, 23 rebounds at anim na assists.

Pinuri naman ni San Miguel head coach Leo Austria ang kaniyang manlalaro dahil sa magandang larong ipinamalas nila.

Maaring makaharap ng Beermen ang sinumang manalo sa pagitan ng Barangay Ginebra o Converge FiberXers.