-- Advertisements --
Pinatawan ng ilang larong ban ng NBA ang ilang manlalaro ng Detroit Pistons at Charlotte Hornets matapos ang naganap na rambulan sa playing court.
Pinakamaraming ipinataw ay kay Pistons forward Isaiah Stewart na may pitong larong ban dahil sa bigla itong pumasok sa court at nakipag-away.
Habang mayroong tig-apat na larong suspensiyon sina Miles Bridges at Moussa Diabate ng Hornets dahil sa pagpapaplala ng laro.
Mayroon namang dalawang larong suspension si Jalen Duren ng Pistons.
Magugunitang unang pinatawan ng technical foul at pinalabas sa court ang apat na manlalaro matapos ang kaguluhan na nagsimula sa third quarter kung saan nagwagi ang Detroit 110-104.
















