-- Advertisements --

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maaari nang mag avail  sa Social Security System (SSS) emergency loan ang mga miyembro nito simula ngayong Disyembre, lalo at nasa national emergency ang bansa.

Ayon sa Pangulo, ang emergency loan ay may mababang interes na pitong porsiyento at may anim na buwang moratorium, kung saan hindi muna kailangang magbayad ng loan amortization sa unang anim na buwan.

Layunin ng programa na matulungan ang mga miyembro ng SSS sa agarang pangangailangan, lalo na sa panahon ng sakuna o emerhensiya. 

Sinabi rin ng Pangulo na patuloy ang pakikipag-ugnayan niya sa SSS upang makahanap ng mas ligtas at makatarungang alternatibo sa micro at emergency loans.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na makatutulong ang emergency loan upang maiwasan ng mga manggagawa ang pag-utang sa mga informal lender na may mataas na interes. 

Ayon sa Pangulo, inaasahang makapagbibigay ito ng ginhawa sa mga SSS member sa oras ng pangangailangan.