-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Department of Health (DOH) na ayusin ang kanilang records at trabaho.

Itoy matapos maiparating sa Pangulo ang isang bilyong pisong pondo ng ahensiya  na hindi umano napangasiwaang mabuti dahil sa mga hindi  nabayarang claims ng mga ospital at dahil sa  hindi  umano tamang pangangasiwa sa kanilang medical supplies kasama na ang  napasong  mga gamot. 

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na nakausap niya ang pamunuan ng DOH at tiniyak sa Palasyo na inaayos na ang kanilang mga dokumento  at trabaho. 

Sinabi aniya ng DOH, na marami rin kasing mga ospital ang hindi nakapagsusumite ng mga kailangang dokumento sa tamang oras para sa kanilang claims .

Dahil dito, ipinag utos aniya ni Pangulong Marcos na palawigin   pa ng 120 araw ang period of processing o ang panahon para makapag proseso at makapagsumite ng mga dokumento ang mga ospital para sa claims. 

Siniguro naman ng DOH na agad babayaran ang sinisingil na claims ng mga ospital basta makumpleto ng mga ito ang mga kailangang dokumento.