-- Advertisements --

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 50 bagong na-promote na star-ranked officers ng Philippine National Police (PNP) na patuloy na pagbutihin ang kanilang pamumuno at huwag maging kampante, kasabay ng panawagang maging matatag, makatarungan, at may paggalang sa karapatan ng bawat Pilipino.

Sa ginawang panunumpa sa Malacañang, binigyang-diin ng Pangulo na ang promosyon ay hindi lamang pagkilala sa nagawa, kundi mas mataas na inaasahan sa pamumuno at pananagutan. 

Aniya, mas mataas na ranggo ang nangangahulugan ng mas malaking responsibilidad sa operasyon ng pulisya, kapakanan ng mga tauhan, at tiwala ng publiko.

Tiniyak din ni Marcos ang patuloy na suporta ng administrasyon sa PNP, kabilang ang mga reporma, pagtaas ng base pay, at subsistence allowance na PhP350, gayundin ang kapakanan ng pamilya ng mga pulis.

Sa 50 na-promote, anim ang Police Major Generals at 44 ang Police Brigadier Generals.