Target ng Land Transportation Office na makumpleto ang backlogs sa motorcycle plate hanggang buwan ng Oktubre ngayong taon.
Kaugnay nito ay nakapag produced na rin ang ahensya ng nasa 5.4 million license plates para sa mga motorsiklo na malaking bawas sa backlogs na nagsimula pa noong 2014.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, umabot ng 12 million ang motorcycle plates backlogs noong 2014.
Nanguna ang Luzon sa pinakamaraming bilang ng backlogs sa motorcycle plates na umabot ng 2.4 million. Sinundan ito ng Metro Manila na pumalo sa 1.4 million, Mindanao na mayroong 992,000 at Visayas na aabot sa 672,000.
Paliwanag ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Non-Infrastructure Ramon Reyes, ang pag-iisyu ng 5.4 million motorcycle plate ay maaaring matapos sa Oktubre.
Para naman makuha ang mga license plates, maaaring magtungo ang motorista sa kanilang mga pinakamalapit na LTO district office.