Gagawin umanong oportunidad ng pamahalaan ang kasalukuyang sitwasyon, upang mapatatag ang ekonomiya, health care system at resiliency.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Karl Kendrick Chua, hindi inaasahan ng lahat ang pagtama ng COVID-19, na nag-peak noong 2020, at maging ang Pilipinas ay napuruhan din.
Sa record ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak sa -9.5% 2020 full-year growth.
Maliban sa epekto ng COVID-19, pinadapa rin ng mga bagyo at baha ang ekonomiya dahil sa 2.5% lamang na paglago sa agrikultura sa nasabing period.
Sa kabila ng mga ito, naniniwala ang NEDA chief na makakapag-adjust tayo, kasabay ng pagbabago sa ilang nakasanayang gawain, para maibalik sa normal ang katatagan ng ating ekonomiya.