-- Advertisements --

Tutol ang ICC Victims Counsel sa hiling na pansamantalang paglaya ni Duterte

Tinutulan ng Office of Public Counsel for Victims (OPCV) ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang makalaya habang dinidinig ang kasong crimes against humanity laban sa kanya.

Iginiit ng Office of Public Counsel for Victims (OPCV) na may matibay pa ring batayan ang mga paratang kay Duterte, at dahil sa bigat ng kaso, mas malaki ang posibilidad na siya’y tumakas. Giit nila, mas malaki ang insentibo niyang umiwas sa pananagutan.

Binigyang-diin din ng Office of Public Counsel for Victims (OPCV) na ang hindi pa niya pagtatangkang impluwensyahan ang mga saksi ay hindi garantiya na hindi niya ito gagawin, lalo na’t alam na niya ang pagkakakilanlan at testimonya ng ilan sa kanila.

Dagdag pa nila, ang pagpapalaya kay Duterte ay posibleng magbanta sa mga biktima at magdulot ng kaguluhan sa bansa.

Ayon sa opisina, para sa mga biktima, ito lang ang paraan para masigurong siya’y mahaharap sa paglilitis.

Nauna nang tinutulan ng ICC Prosecutor ang parehong hiling. Samantala, sinabi ng DOJ ng Pilipinas na handa itong tumulong sa pagprotekta sa mga saksi.

Naaresto si Duterte noong Marso 11, batay sa warrant ng ICC kaugnay ng umano’y pamumuno niya sa mga death squadsa ilalim ng kampanya kontra droga. (report by Bombo Jai)