-- Advertisements --

Iniurong na sa 2026 ang EDSA rehabilitation at ang implementasyon ng odd-even scheme.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, na magiging sagabal ang pasasaayos ng EDSA sa mga pag-ulan na susundan pa ng Christmas rush ngayong “Ber” months.

Target nilang uunahin na ayusin ay ang bahagi na hindi gaanong dinadaanan ng mga sasakyan.

Kinokonsidera nila ang paggamit ng makabagong teknolohiya para mapabilis ang pagsasaayos ng 23.8 kilometro na makasaysayang highway sa Metro Manila.

Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga mula P8 hanggang P17 bilyon.

Isusumite nila ang rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr kapag naisapinal na nila ang teknolohiya na gagamitin para sa EDSA rehabilitation.