Reading Time: 1 minute
Screenshot 2019 07 08 12 31 43
Indonesia

Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang eastern Indonesia.

Ayon sa U.S. Geological Survey (USGS) may lalim ito ng 10 kilometers na sentro ang south-southern Ternate City.

Pinawi naman ng Indonesia meteorology agency ang pangamba ng tsunami.

Naramdaman din ang nasabing pagyanig sa ilang bahagi ng Indonesia gaya sa Sulawesi Island at sa Sorong sa Papua Island.

Naganap ang pagyanig ilang oras matapos maramdaman ang 6.6 magnitude na lindol sa Western Australia at south Indonesia.