-- Advertisements --
Maraming flights ng isla ng Bali sa Indonesia ang nakansela dahil sa pag-alburuto ng bulkang Lewotobi Laki-Laki .
Nitong Miyerkules ng nagbuga ng abo ang bulkan na may taas ng hanggang 11 kilometro.
Dahil dito ay itinaas ang alerto at inilikas ang mga residente sa 7 kilometer radius mula sa crater ng bulkan.
Aabot sa 37 na mga fligths ang nakansela dahil sa nasabing pag-aburoto ng bulkan.
Wala namang naitalang nasugatan at nasawi sa nasabing insidente.
Magugunitang noong Nobyembre ng nakaraang taon ng mag-alburoto ang bulkan kung saan siyam na katao ang nasawi at lumikas ang ilang libong residente.