-- Advertisements --

Nakatakdang magsanay sa bansang Japan si Filipino Olympic Gold medalist Carlos Yulo at ilang gymnast ng bansa.

Ang nasabing pagsasanay ay bilang paghahanda ng bansa para sa World Championship na gaganapin sa Jakarta, Indonesia mula Oktubre 19 hanggang 25.

Katatapos lamang sumabak ni Yulo sa Asian Championships sa South Korea kung saan nagbulsa ito ng isang ginton medalya at tatlong bronze medal.

Ilan sa mga makakasama ni Yulo ay sina Ace de Leon, Miguel Besana at John Ivan Cruz ganun din ang nakakabatang kapatid ni Carlos na si Karl Eldrew ay magsasanay din sa Japan.

Una rito ay halos 10 buwang namahinga si Yulo mula sa tagumpay niya ng Paris Olympics kung saan tiniyak niya na makakamit niya ang tagumpay sa mga torneo na kaniyang sasalihan.