Binigyang-diin ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro jr. ang pangangailang makabili ang bansa ng mga Airborne Warning and control System (AWACS) aircraft.
Ang AWACSs ay isang military surveillance at command & control aircraft na may malalakas na radar at iba pang sensor na ginagamit para sa detection at tracking ng iba’t-ibang mga sasakyang panghimpapawid, missile, at iba pang gamit-pandigma sa kalupaan.
Nagagawa ng mga ito na maagang maglabas ng warning signal at sitwasyon ng isang bagay na sinusubaybayan at makapag-coordinate sa iba pang military forces habang nagsisilbing ‘eye in the sky’ para sa mga military commander.
Giit ni Teodoro, hindi sapat ang mga multi-role fighter (mrf) aircraft dahil kailangan ding may tutulong sa mga ito na kalidad na radar surveillance, at iba pang aspeto na kayang ibigay ng mga AWACS aircraft.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa na aniya ng evaluation ang dnd para sa planong bilhin na karagdagang aircraft, kasama na ang mga MRF.
Ang hamon aniya ay hindi lamang ang mismong procurement o pagbili ng mga mrf kungdi gawing operational ang mga ito bilang isang military ‘package’.