-- Advertisements --

Hindi pa natatanggap ni Palace Press Officer Usec Claire Castro ang kopya ng reklamong isinampa umano laban sa kanya ni Congressman Leando Leviste. 

Ayon kay Castro ang kanyang naging pahayag sa publiko ay nakabatay lamang sa mismong interview ng kongresista.

Sinabi ni Castro, sa naturang panayam, inamin ni Cong. Leviste na ang impormasyon tungkol sa umano’y pagbebenta ng kumpanyang may prangkisa ay nagmula kay Ombudsman Remulla. 

Gayunman, sinabi rin ng kongresista na wala siyang balak magsampa ng kaso laban sa Ombudsman dahil iginagalang niya ito at kaibigan umano ng kanyang ina.

Dagdag pa rito, kinumpirma rin ni Cong. Leviste sa parehong interview na hindi na siya ang may-ari ng Solar Para sa Bayan, ang kumpanyang may prangkisa, matapos niyang i-divest ang kanyang shares.

Dahil dito, sinabi ni Castro na ang impormasyon ay nagmula mismo sa kongresista at sa Ombudsman. 

Naniniwala si Castro na ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya ay maaaring layuning patahimikin siya at pigilan ang patuloy na pagtalakay sa mga isyu. 

Binanggit din niya ang tanong kung sino ang tunay na nasa likod ng kaso at kung sino ang makikinabang dito.