Hinimok ng International Criminal Court (ICC) ang personnel ng Philippine National Police (PNP) na tumestigo laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang statement, umaapela ang ICC para direktang tumestigo sa mga insidente kaugnay sa inaakusang crimes against humanity sa dating Pangulo kaugnay sa war on drugs kabilang ang mga miyembro ng pambansang pulisya at iba pang law enforcement agencies na sangkot sa mga insidente na lumutang na at makipag-usap sa mga miyembro ng tanggapan.
Nagbigay din ng isang online form ang ICC kung saan maaaring magsumite ang mga testigo ng kanilang mga reklamo.
Matatandaan, sa kasagsagan ng kampaniya kontra iligal na droga sa ilalim ng administrasyong Duterte, nagsilbing hepe noon ng PNP si Sen. Ronald Dela Rosa, na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpapakita sa publiko kasunod ng mga ulat na arrest warrant laban sa kaniya mula sa ICC.
















