Pumalo na sa 28 ang kumpirmadong nasawi sa Binaliw landfill incident sa Cebu City matapos makarekober ng isa pang bangkay ang mga rescuer nitong Biyernes, Enero 16.
Ayon kay City Councilor Dave Tumulak, narekober ang biktima bandang tanghali ngayong araw.
Sa kabuuan, 18 katao na ang na-retrieve habang walong iba pa ang nananatiling missing.
Patuloy naman ang search and rescue operations sa lugar sa kabila ng masamang panahon na dulot ng Tropical Storm Ada.
Sinabi ni Tumulak, na naka-full deployment ang mga responders sa Barangay Binaliw kahit na delikado ang kondisyon ng lupa at malakas ang ulan.
Tiniyak ng opisyal na hindi sinuspinde ang operasyon, taliwas sa mga ulat na pansamantalang itinigil ang paghahanap.
Aniya, tuloy-tuloy ang retrieval efforts at naka-preposition na ang mga disaster personnel, kabilang ang mga barangay-based responders, upang masiguro ang pagpapatuloy ng operasyon.
















