-- Advertisements --
Pinayuhan ni Senador Bong Go ang publiko na umasa lamang sa beripikadong impormasyon tungkol sa tinaguriang “super flu,” habang tiniyak na limitado at gumaling na ang mga naitalang kaso sa bansa. Binanggit niya ang kahalagahan ng basic health practices at influenza vaccination.
Aniya, ang bagong batas na nagtatag ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) ay magsisilbing pangmatagalang hakbang para sa vaccine research, diagnostics, at therapeutics, at magpapalakas sa kakayahan ng bansa na maagap na tumugon sa mga sakit.
Matatagpuan ang VIP headquarters sa New Clark Economic Zone, Tarlac, at patuloy ang konstruksyon at pagpapatakbo. (report by Bombo Jai)
















