-- Advertisements --

Posible pang humaba at ma-extend ang kasalukuyang suspensyon na kinahaharap ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kung maghahain ng panibagong ethics complaint ang House of Representatives laban sa kongresista ayon yan kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre.

Ani Acidre, kinokonsidera na ng Kamara ang paghahain ng panibagong ethics complaint laban kay Barzaga dahil na rin sa mga naging aksyon nito matapos na maipatupad ang kaniyang naging suspension nitong Disyembre.

Magugunita naman na inihain ang unang complaint laban kay barzaga nitong nakaraang taon dahil sa umano’y ‘disorderly behavior’ nito bunsod ng kaniyang mga social media posts sa kaniyang personal accounts.

Samantala, habang wala pang pinal na deisyon ang kamara para sa panibagong complaint ay nakatakda namang matapos ang suspensyon ng kongresista sa Enero 30.