Duterte riding motor
Duterte riding motor/ Sen Go FB image

Muling sumakay sa motorsiklo ang Pangulong Rodrigo Duterte isang araw matapos na ito ay sumemplang.

Sa social media account ng kaniyang aid at ngayoy Senator Bong Go, ibinahagi nito ang larawan ng pangulo na nakasakay sa motorsiklo.

Makikita sa larawan na tila sinusubukan ng pangulo ang bagong scooter.

Naka-tsinelas lamang ito at wala pa ring suot na helmet.

Magugunitang sumemplang sa pagmamaneho ng motorsiklo ang pangulo habang papagarahe na lamang ito matapos ang pagmamaneho ng 650 cc na motorsiklo.