Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na bukas silang makipag-ugnayan hinggil sa ‘road right of way’ na maaaring maapektuhan sa patuloy na pagsasagawa ng MRT-7.
Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Spokesperson Mon Ilagan na nagagawan naman ito ng paraan dahil bahagi na rin ito ng ilang problema sa proyekto ng pamahalaan. Aniya, may itinalaga na si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na makikipag-usap sa mga maaapektuhan ng ‘road right of way’.
Nakatakdang matapos ang labindalawang istasyon ng MRT-7 sa 2027, kabilang sa mga istasyon ay ang North EDSA Station at Sacred Heart Station. Kasabay ng pagtatapos ng MRT-7, kasalukuyan na ring isinasagawa ang mga common stations upang mas maging konektado pa ang mga train lines.